66-anyos na retired government employee, inaresto ng awtoridad sa Koronadal City sa kasong Qualified Rape
- Teddy Borja
- Sep 3
- 1 min read
iMINDSPH

Isang retired government employee ang arestado sa Koronadal City na kabilang sa listahan ng Top 9 Most Wanted Persons dahil sa kasong Qualified Rape.
Ang suspek ay kinilala sa alyas na “Ali” residente ng Barangay San Isidro ng nabanggit na syudad.
Inaresto ito alas 3:30 ng hapon, araw ng Lunes, September 1 sa Purok Pag-asa ng nasabing barangay.
Inaresto ito sa bisa ng Warrant of Arrest. Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kaso.
Isa pang Warrant of Arrest sa kasong Sexual Assault ang kinakaharap nito kung saan inirekomenda ng korte ang Php180,000 na piyansa.
Ang mga warrants ay inilabas ni Judge Alena Gale Palileo-Yabes ng RTC Branch 12-Family Court, Koronadal City, noong Agosto 19, 2025.
Ang naarestong akusado ay dinala na sa Koronadal CPS para sa tamang disposisyon.



Comments