69.97 % O 23,390 MULA SA 42,002 BARANGAY SA BUONG BANSA ANG DINEKLARA NG PDEA NA DRUG-CLEARED
- Diane Hora
- Jan 9
- 1 min read
iMINDSPH

Dineklara ng Philippine Drug Enforcement Agency na Drug-Cleared ang 67.97% o 29,390 mula sa 42,002 barangay sa buong bansa. Ang bilang na ito ng mga barangay ay sumailalim sa Barangay Drug Clearing Program matapos ang masusing deliberasyon at validation ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing o ROCBDC.
Ang ROCBDC ay pinamumunuan ng Regional Director at binubuo ng mga representante mula sa Department of the Interior and Local Government Philippine National Police Department of Health at local government units.
Dinideklarang drug cleared ang isang barangay mula sa illegal drug activities kapag naabot nito ang parameters na itinakda ng Dangerous Drugs Board Regulation No. 4 Series of 2021 o “Sustaining the Implementation BDCP and Repealing for such purpose Board Regulation No. 3 Series of 2017”.
6,113 barangays nationwide o 14.55 percent ang nanatiling drug-affected, ibig sabihin ayon sa PDEA, ang mga barangay na ito ay naiulat at may validated presence ng Persons Who Use Drugs o PWUDs, pushers, drug den maintainers, coddlers, protectors, financers, cultivators, at manufacturers.
Sa kabuuang bilang ng mga barangay sa buong bansa, 6,179 barangays o 14.71 percent ang kinumpira ng ROCBDC bilang drug-unaffected, habang 320 barangays o 0.76 percent ang drug-unaffected o mga barangay kailanman ay walang naitalang illegal drug activities.
Sa taong 2024, mayroong 1,314 barangays na drug-affected status, kabilang na ang 69 cities at municipalities, ang dineklara na drug-cleared.
Hangad ng PDEA na makamit ang drug resistant at self-policing communities sa taong 2030.
Comments