₱7.1 MILLION SUSPECTED SHABUNakumpiska ng pulisya; Suspek, arestado sa Barangay Ma-a, Davao City
- Mar 23
- 1 min read
iMINDSPH

Kinilalang ang suspek na si alyas “Alex”, lalaki at ayon sa awtoridad ay recidivist na itinuturing na high-value individual.
Ang operasyon ay pinangunahan ng mga operatiba ng Davao City Police Office, sa pangunguna ng Police Station 16 Ma-a at katuwang ang City Drug Enforcement Unit
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 o pagbebenta at Section 11 o pag-iingat ng ilegal na droga sa ilalim ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad ang suspek habang inihahanda ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa kanya.



Comments