top of page

₱7.3-M ILEGAL NA DROGA, NASAMSAMSa 24 magkakahiwalay na operasyon kung saan 13 drug personalities ang arestad

  • 6 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


Sa Davao Region —

Mahigit ₱7.3 milyong halaga ng hinihinalang ilegal na droga ang nasamsam ng pulisya sa magkasunod na anti-illegal drug operations sa loob lamang ng isang araw. Arestado naman sa operasyon ang 13 drug personalities.


Sa ulat ng Police Regional Office 11, siyam na magkakahiwalay na operasyon ang isinagawa ng mga unit ng pulisya sa loob ng 24 oras.


Nagresulta ito sa pagkakaaresto ng 13 katao, kabilang ang walong high-value individuals at limang street-level individuals.


Kabilang sa mga nahuli ang isang recidivist na high-value individual na kilala sa alyas na “Alex”, na naaresto sa buy-bust operation sa Barangay Ma-a, Davao City dahil sa paglabag sa Republic Act 9165.


Nasamsam sa mga operasyon ang tinatayang 1.087 kilo ng hinihinalang shabu at 4.26 gramo ng marijuana.


Ang lahat ng mga naarestong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya at haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page