7.6 magnitude na lindol, yumanig sa Manay, Davao Oriental; Lindol, naramdaman rin sa maraming lugar sa Visayas at Mindanao
- Diane Hora
- Oct 10
- 1 min read
iMINDSPH

Niyanig ng 7.6 magnitude na lindol ang dagat sa Silangan ng Manay, Davao Oriental alas 9:43 ng umaga ngayong araw ng Biyernes, October 10.
May lalim na 10 kilometers ang lindol at tectonic ang origin nito. Sinundan pa ito ng 7.5, 5.2 at 4.9 na pagyanig.
Ramdam rin ang pagyanig sa iba’t ibang lugar sa Visayas at Mindanao.
Intensity V sa Davao City
Intensity IV sa Bislig City, Surigao del Sur
Intensity V - sa Hinunangan, Southern Leyte
Gingoog City, Misamis Oriental, Nabunturan, Davao de Oro, Santa Maria, Davao Occidental; Kidapawan City, Cotabato; Alabel at
Malungon, Sarangani; Koronadal City, at Tupi, South Cotabato.
Intensity IV naman sa Cebu City, Eastern Samar,
Abuyog, Alangalang, Dulag, at Hilongos, Leyte; Hinundayan, Silago, at Sogod, Southern Leyte; Kalilangan, City ng Malaybalay, at San Fernando, Bukidnon; Cagayan De Oro City, Digos City, Magsaysay, at Matanao, Davao del Sur; M'lang, at Magpet, Cotabato; Glan, Kiamba, Maitum, at Malapatan, Sarangani; Banga, Polomolok, at Tampakan, South Cotabato; General Santos City, Columbio, at Palimbang, Sultan Kudarat; Cabadbaran City, Agusan del Norte, Surigao City, Bislig City, Surigao del Sur.



Comments