7 dating CTG member, kabilang na ang 2 team leader, sumuko sa militar sa Kalamansig, Sultan Kudarat
- Diane Hora
- Sep 9
- 1 min read
iMINDSPH

Iprenisinta ng 37th Infantry Battalion kay 603rd Brigade Commander, Brigadier General Michael Santos at Kalamansig Mayor Ronan Garcia ang pitong mga dating miyembro ng CTG na sumuko sa militar sa isang seremonya, araw ng Lunes, sa Kalamansig Municipal Hall.
Kabilang sa mga sumuko si alyas Brigoy, 27 years old, Team Leader ng Team C, Gilbeys Platoon, Regional Operations Command, Far South Mindanao Region alyas Rambo/Papaw, 29 years old, Vice Team Leader of Team C, ROC, FSM at lima pang miyembro ng grupo edad na kinabibilangan ng apat na menor de edad.
Ayon sa militar, ang mga former rebel ay ni-recruit sa murang edad.
Tumanggap naman ng tig-isang sako ng bigas at financial assistance ang mga sumukong dating rebelde mula sa LGU Kalamansig.
Bahagi ito ng mas malawak na reintegration program na naglalayon na tulungan ang mga ito na makapagsimula muli.
Bilang suporta, inanunsiyo ni Mayor Garcia ang pagpapatayo ng halfway house para sa mga nagbabalik loob para sa kanilang ligtas at maayos na reintegration process.
Tutulungan ang mga ito na magkaroon ng access sa livelihood programs, skills training, education, at psychosocial support.



Comments