7 mag-aaral ng Markadz Khalid Bin Nassir Al Tani Litahfiydhil Qur’an, matagumpay na nagtapos sa Qur’anic Memorization Program; Gov. Datu Tucao mastura,
- Diane Hora
- Jan 30
- 1 min read
iMINDSPH

Pitong (7) kabataang mag-aaral ang matagumpay na nagtapos sa Qur’anic Memorization Program sa ginanap na closing ceremony ng Markadz Khalid Bin Nassir Al Tani Litahfiydhil Qur’an nitong Enero 29, 2026 sa Salimbao, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte.
Ang nasabing programa ay dinaluhan ng Maguindanao del Norte Governor Datu Tucao Mastura, kasama ang mga kinatawan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.
Bahagi ng suporta ng pamahalaang panlalawigan sa Islamic education a lalawigan.
Sa kabuuan, 58 mag-aaral ang lumahok sa programa—51 aktibong mag-aaral at 7 ang completers na pormal na kinilala sa nasabing seremonya. Pinamumunuan ang paaralan ni Nasrudin Mamualas, na nagpahayag ng pasasalamat sa patuloy na suporta ng mga katuwang na institusyon at indibidwal.
Ang programa ay pinangasiwaan ng Markadz Khalid Bin Nassir Al Tani Litahfiydhil Qur’an katuwang ang PDRRM, at itinaguyod sa tulong ni Board Member Mashur Ampatuan Biruar bilang pangunahing sponsor.
Ayon sa mga tagapagsulong ng aktibidad, ang Qur’anic memorization ay hindi lamang pagkatuto ng banal na teksto kundi paghuhubog ng mabuting asal, disiplina, at matibay na pananampalataya—mga haliging mahalaga sa paghubog ng responsableng mamamayan at lider ng komunidad.
Pinagtibay ng nasabing pagtitipon ang kahalagahan ng pagtutulungan ng pamahalaan, sektor ng edukasyon, at komunidad sa pagsusulong ng mga programang nagbibigay-halaga sa kaalaman, kultura, at pananampalataya ng Bangsamoro.



Comments