top of page

7 panukalang batas hinggil sa pagtatatag ng bagong ospital at pag-upgrade sa ilang pagamutan sa BARMM, aprubado nang Committee on Health

  • Writer: LERIO BOMPAT
    LERIO BOMPAT
  • Sep 5
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Kabilang sa mga naaprubahan ang Parliament Bill (PB) No. 120.


Ito ang pag-upgrade sa South Upi Municipal Hospital mula 10-bed capacity tungo sa 50-bed capacity hospital.


Nilalayon ng Parliament Bill Nos. 146 at 277 na gawing 75-bed capacity hospital ang Datu Odin Sinsuat District Hospital mula 50-bed capacity.


Ang PB No. 156 ay naglalayon ng pagtatatag ng 25-bed Level I hospital sa Talayan, Maguindanao del Sur.


Habang ang PB No. 147 ay ang pagtatayo ng 25-bed Level I hospital sa Datu Piang, Maguindanao del Sur.


PB No. 233 naman ang panukala hinggil sa pagtatayo ng Buldon General Hospital sa Buldon, Maguindanao del Norte.


At PB No. 312 ang pagtatayo ng Bangsamoro General Hospital sa Special Geographic Area (SGA).


Inaprubahan din ng komite ang pinagsamang PB Nos. 338 at 245 na naglalayong magbigay ng komprehensibong programa ng suporta para sa mga batang may neurodevelopmental disorders at iba pang special needs sa rehiyon.


Ayon kay Committee on Health Chairperson Hashemi Dilangalen, ang pagpasa ng 11 health-related bills ngayong linggo—ay hakbang upang matugunan ang tumataas na pangangailangan sa serbisyong pangkalusugan sa Bangsamoro.


Plano ring makipagpulong ng komite sa Committee on Finance, Budget, and Management upang talakayin ang kinakailangang pondo para sa implementasyon ng mga panukalang batas.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page