top of page

7 private madrasah ang tumanggap ng government subsidy kung saan tig-P5,000 ang laan kada mag-aaral mula kindergarten hanggang grade 6

iMINDSPH


Sa isang seremonya araw ng Lunes, February 24 sa Sultan Kudarat Cultural Complex-



Pitong private madrasahs ang binigyan ng government subsidies kung saan laan ang tig limang libong piso kada mag-aaral mula kindergarten hanggang grade 6 para sa school year 2023-2024.



Layunin ng nasabing hakbang ang tinatawag na equity sa edukasyon at punan ang puwang sa oportunidad sa edukasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong sa mga private madrasah sa mga underserved communities, at pagtiyak ng access sa dekalidad na edukasyon para sa lahat ng Bangsamoro Learners.


Labimpitong madrasah din ang kinilala ng MBHTE sa kanilang kontribusyon sa edukasyon at ginawaran ng plake.


Labintatlong madrasah pa ang binigyang din ng parangal sa iba’t ibang kategorya sa kanilang pagsusumikap sa iba’t ibang larangan.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page