top of page

7 Shari’ah Special Bar Takers mula Basilan, pinagkalooban ng P10K financial assistance ng provincial government

  • Jan 9
  • 1 min read

iMINDSPH



Buo ang suportang ibinigay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Basilan sa pitong Shari’ah Special Bar Examination takers na handa nang sumabak sa isa sa pinakamahalagang yugto ng kanilang propesyonal na paglalakbay.


Personal na bumisita ang mga examinee sa tanggapan ni Governor Mujiv Hataman.


Bilang pagkilala sa kanilang pagsisikap at sakripisyo, nagkaloob ang Pamahalaang Panlalawigan ng ₱10,000 financial assistance sa bawat examinee. Ayon sa pamahalaang panlalawigan, ang tulong-pinansyal ay nakalaan upang makatulong sa pamasahe, requirements, at iba pang gastusin kaugnay ng pagkuha ng pagsusulit saklaw ang Islamic jurisprudence, family law, inheritance, at Shari’ah court procedure.


Ipinahayag ng Pamahalaang Panlalawigan ng Basilan ang paghanga at saludo sa determinasyon ng mga Shari’ah bar takers—mga indibidwal na piniling mag-aral at magsilbi para palakasin ang sistema ng hustisyang Islamiko sa bansa.


Naniniwala ang provincial government na sa pagdami ng mga Shari’ah Counselors-at-Law, mas naaaninag na umano ang isang mas inklusibo, makatarungan, at makataong sistema ng hustisya—hindi lamang para sa Basilan kundi para sa mga Moro saan mang panig ng Pilipinas.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page