7 TAONG GULANG NA BATA, PINALO NG DOS POR DOS, PATAY Matapos umanong mahuli na kumukuha ng mangga sa isang lote sa Zamboanga del Norte
- 5 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Nangyari ang insidente dakong alas-onse singkwenta ng gabi noong April 7, 2026 sa ISANG Barangay Alegria, Baliguian, Zamboanga del Norte.
Ayon sa Baliguian Municipal Police Station, nai-report ang insidente bandang alas-tres singkwenta ng madaling araw ng April 8, at agad namang rumesponde ang mga awtoridad pagsapit ng alas-singko ng umaga.
Sa imbestigasyon, pumasok umano ang pitong taong gulang na bata sa isang compound at kumuha ng mangga, kung saan siya nahuli ng caretaker at pinagpapalo umano gamit ang dos por dos.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek at inihahanda na ang pagsasampa ng kaso laban dito.
Samantala, nilinaw ng Bangsamoro Human Rights Commission ng Maguindanao del Sur ang kumakalat na impormasyon sa social media kaugnay ng insidente.
Ayon sa kanila, una nilang inakalang nangyari ito sa kanilang lugar base sa mga komento online, ngunit sa kanilang beripikasyon, natukoy na ang insidente ay hindi naganap sa Maguindanao del Sur kundi sa Zamboanga del Norte.
Nanawagan din ang Bangsamoro Human Rights Commission para sa mas maayos na pagtrato sa mga bata lalo na kung ito ay may kinalaman sa child in conflict with the law.
Binigyang-diin nila na may mga umiiral na mekanismo at batas upang tugunan ang ganitong mga sitwasyon at maprotektahan ang karapatan ng mga bata.



Comments