70 miyembro ng šoro Islamic Liberation Front sa Camp Bushra, Butig, Lanao del Sur, matagumpay na nakapagproseso ng kanilang amnesty application at na-isyuhan ng Safe Conduct Pass
- Diane Hora
- Oct 6
- 1 min read
iMINDSPH

Pitumpung miyembro ng Moro Islamic Liberation Front na nakabase sa Camp Bushra Samiorang sa Butig, Lanao del Sur ang matagumpay na nagsumite ng kanilang amnesty application sa National Amnesty Commission.
Personal na nagtungo ang NAC officials sa kampo para sa proseso ng kanilang aplikasyon. Na-isyuhan din ang mga ito ng NAC ng Safe Conduct Pass.
Bukod sa paghahain ng amnesty application, inisyuhan din ng NAC ng Safe Conduct Pass ang mga ito.
Isa sa mga nagsusulong para makapaghain ng amnesty application ang mga miyembro ng M!LF sa ibaāt ibang kampo ay si MP Baileng Mantawil.
Ang mass filing ng amnesty application ay isinagawa sa Aleem Abdulaziz Mimbantas Memorial Center-MILF Panel Satellite Office, Camp Bushra Samiorang, Barangay Sandab, Butig, Lanao del Sur, araw ng Sabado.
Pinangunahan ito ni MP Basit "Jannati Mimbantas" Abbas, M!LF Technical Working Group at Integrated Bar of the Philippines Cotabato City.
Sa kabuuan, umabot na sa 4,613 ang naghain ng amnesty application sa NAC. 89 dito ang mula sa RPMP-RPA-ABB, 683 ang mula sa M!LF, 3,485 ang mula sa CPP-NPA-NDF at 356 ang mula sa MNLF.



Comments