70 upuan, handog ng provincial government ng Maguindanao del Norte sa isang madrasah sa Northern Kabuntalan sa ilalim ng programang DTOM
- Diane Hora
- 2 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Pitumpung wooden chairs ang ipinamahagi ng provincial government ng Maguindanao del Norte sa isang madrasah sa Tumaginting, Northern Kabuntalan.
Mas magiging komportable na at maayos ang learning environment ng mga mag-aaral sa isang madrasah sa Barangay Tumaginting, Northern Kabuntalan matapos ipamahagi ng provincial government ng Maguindanao del Norte ang 70 wooden chairs. Ito ang gobyernong diretsong serbisyo, sa ilalim ng DTOM o ang Development, Transformation, and Opportunity for Maguindanao del Norte.
Ang inisyatibang ito ay direktang sumusuporta sa mga estudyante habang patuloy nilang hinahasa ang kanilang kaalaman at kahusayan sa Islamic education.
Taos pusong nagpapasalamat si Councilor Ibrahim Bayam at Tumaginting Barangay Captain Jomar Kasim Manguindra kay Governor Datu Tucao Mastura, at Provincial Administrator Datu Sharifudin Tucao Mastura sa hatid na tulong.
Ayon sa mga lokal na opisyal, malaking tulong ang mga upuan upang masigurong may maayos, ligtas, at conducive learning space ang mga mag-aaral ng Madrasah, lalo na sa mga malalayong lugar ng lalawigan.
Binigyang-diin naman ng pamahalaang panlalawigan na ang ganitong mga programa ay patunay ng kanilang patuloy na commitment na tiyaking kahit ang mga pinaka-liblib na komunidad ay makakarating ang serbisyo lalo na para sa edukasyon at spiritual growth. Sa pamamagitan umano nito ay mas napapalakas ang pundasyon ng kaalaman at pananampalataya ng bawat madrasah student sa buong Maguindanao del Norte.
Sama-samang pagsulong sa ilalim ng DTOM, ang gobyernong diretso serbisyo



Comments