700 pamilya, nawalan ng tirahan matapos masunog ang 350 bahay sa Lamion, Bongao, Tawi-Tawi
- Diane Hora
- Feb 4
- 1 min read
iMINDSPH

Ito ang kuha ng isang netizen sa sunog na sumiklab alas 10:05 kagabi sa Barangay Lamion, Bongao, Tawi-Tawi.
Ayon kay Fire Inspector Wagner Kamlian, Acting Municipal Fire Marshall ng Bongao Central Fire Station, mabilis kumalat ang apoy.
FIRE INSPECTOR WAGNER KAMLIAN
Acting Municipal Marshall, Bongao Central Fire Station
fire is spread rapidly due to ah gas lang gawa ang pagkakagawa sa mga bahay doon mostly.
Ayon sa BFP Bongao Central Fire Station, nasa tatlong daan at limampung bahay ang natupok at nasa pitong daang pamilya ang nawalan ng tirahan.
Base sa initial investigation ng BFP Bongao, nagmula ang sunog sa isang bahay sa lugar.
Bukod sa residential houses, damay din sa sunog ang Lamion Elementary School.
Sa pagtayan ng BFP, nasa 17, 500, 000 ang halaga ng mga ari-arian na nasunog.
Umabot sa ikalawang alarma ang sunog at dineklara ng BFP na fire out alas 3:00 na kaninang madaling araw.



Comments