744 DAYCARE LEARNERS SA SULU Nagtapos sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Program ng MSSD
- Apr 7
- 1 min read
iMINDSPH

Matagumpay na nagtapos ang kabuuang 744 day care learners sa ilalim ng Early Childhood Care and Development (ECCD) Program ng MSSD mula sa iba’t ibang bayan ng Sulu noong Marso 26–27, 2026.
Isinagawa ang mga seremonya sa ilalim ng temang “Batang Bangsamoro: Simbolo ng Pag-Asa, Hinubog ang Pangarap para sa Mas Matatag na Bukas”, na nagbibigay-diin sa mahalagang papel ng early education sa paghubog ng kakayahan at kinabukasan ng batang Bangsamoro.
Sa kabuuang bilang, 242 learners mula sa bayan ng Parang ang nagtapos noong Marso 26. Samantala, noong Marso 27,176 learners mula sa Kalingalan Caluang, 179 mula sa Omar, at 147 learners mula sa Luuk ang nagtapos.
Binigyang pagkilala ang bawat completer sa pamamagitan ng paggawad ng diploma bilang patunay ng kanilang matagumpay na paglahok at pagtatapos sa programa. Ito ay nagsisilbing mahalagang unang hakbang sa kanilang pormal na edukasyon.
Dinaluhan ang mga seremonya ng mga opisyal at kawani ng MSSD, mga Child Development Workers (CDWs), guro, at mga kinatawan ng lokal na pamahalaan, na nagpahayag ng kanilang suporta sa patuloy na pagpapaunlad ng edukasyon para sa kabataang Bangsamoro. (𝗛𝗠𝗔/𝗜𝗖𝗗)



Comments