top of page

75 armchairs, handog ni Governor Datu Tucao Mastura, sa Barira Central Elementary School

  • Diane Hora
  • 1 day ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Handog ni Maguindanao del Norte Governor Datu Tucao Mastura ang pitompu’t limang mga bagong armchairs sa Barira Central Elementary School.


Layon ng provincial government na masuportahan ang pangangailangan ng mga mag-aaral tulad ng armchair.


Binigyang-diin ni Governor Mastura ang kahalagahan ng matibay na ugnayan sa pagitan ng kanyang administrasyon at ng lokal na pamahalaan, mga guro at mga magulang para sa iisang sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon sa lalawigan.


Bukod sa pamamahagi ng upuan, tiniyak ni Governor Mastura na magpapatuloy pa ang mga proyektong pang-edukasyon sa iba’t ibang bayan ng Maguindanao del Norte upang masiguro na walang batang maiiwan sa pag-aaral.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page