top of page

75 Bangsamoro Scholars mula MDN, nagtapos sa BSPTVET Program ng MBHTE-TESD

  • Diane Hora
  • Oct 29
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Pinangunahan ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education–Technical Education and Skills Development ng Maguindanao Provincial Office, ang graduation ceremony para sa pitumpo’t limang scholars na nagtapos sa ilalim ng Bangsamoro Scholarship Program for TVET o “Tulong ng Tekbok sa Pag-angat ng Bangsamoro 2025”.


Ang mga iskolar ay mula sa mga bayan ng Buldon, Sultan Kudarat at Matanog, na matagumpay na nakapagtapos ng kani-kanilang technical-vocational training sa mga partner institutions gaya ng Ittihadun-Nisa’, Ebrahim Institute, Darussalam Institute, at Farasan Institute.


Layunin ng programa na mapalakas ang kakayahan ng mga Bangsamoro sa larangan ng teknikal na kasanayan at kabuhayan.


Ipinagkaloob naman ni Provincial Administrator Datu Sharifudin Mastura, ang mga essential toolkits at sewing machines sa mga nagsipagtapos, kasabay ng pamamahagi ng kanilang certificates at stipends, bilang tulong upang agad nilang magamit ang kanilang mga bagong natutunan sa paghahanapbuhay.


Itinuring ng mga kalahok na hindi lamang ito pagtatapos, kundi simula ng panibagong yugto ng oportunidad tungo sa mas produktibong pamumuhay at pag-angat ng ekonomiya sa Maguindanao del Norte.


Ang BSPTVET Program ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education sa ilalim ng TESD, na magbigay ng dekalidad na edukasyon, kasanayan at pag-asa para sa bawat Bangsamoro learner.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page