768 IFTAR MEALS Ipinamahagi ng FAST program ng Project TABANG sa Tawi-Tawi at Sulu
- Mar 10
- 1 min read
iMINDSPH

Isinagawa ang pamamahagi noong Marso 7 at 8, 2026 sa pamamagitan ng tanggapan ng BARMM Interim Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua, bilang bahagi ng patuloy na pagbibigay ng agarang tulong sa mga komunidad ng Bangsamoro sa panahon ng banal na buwan ng Ramadan.
Pinangungunahan ni Project Manager Brahim Lacua ang koordinasyon sa mga partner agencies, lokal na pamahalaan, at mga lider ng komunidad upang matiyak ang maayos at napapanahong pamamahagi ng iftar meals sa mga Muslim na nag-aayuno.
Sa Tawi-Tawi, isinagawa ang pamamahagi sa tulong ng ilang partner agencies kabilang ang BPMA Bongao Port, PNP Provincial Headquarters, at ang 12th Marine Rifle Battalion, na nagpalakas sa ugnayan ng mga ahensya sa paghahatid ng serbisyong humanitarian sa mga komunidad.
Sa Tawi-Tawi, dalawang masjid ang nakatanggap ng 200 packed meals, araw ng Linggo, March 8.
• Masjid Boheh Basag – Tubig Basag, Bongao
• Masjid Lakit-Lakit – Lakit-Lakit, Bongao
Samantala, 100 packed meals ang ipinamahagi sa Masjid Saldang sa Parang, Sulu.
Noong Marso 7, umabot naman sa 468 packed meals ang naipamahagi sa limang masjid.
Sa Tawi-Tawi, apat na masjid ang tumanggap ng kabuuang 348 packed meals
• Masjid Kasanyangan – Tubig Tanah, Bongao
• Masjid Tongsinah – Tongsinah, Bongao
• Masjid Kapunan – Poblacion, Panglima Sugala
• Masjid Arsafria – Lapid-Lapid, Bongao
Habang 120 packed meals naman ang ipinamahagi sa Masjid Kasalamatan sa San Raymundo, Jolo, Sulu.
Ayon sa mga tagapagpatupad ng programa, patuloy ang Project TABANG sa paghahatid ng tulong sa mga komunidad ng Bangsamoro upang maipadama ang diwa ng pagkakaisa, malasakit, at pagbabahagi sa panahon ng Ramadan.



Comments