79 solo parents sa SGA, sumailalim sa Family Development Session
- Jan 13
- 1 min read
iMINDSPH

79 solo parents na beneficiaries ng Dakilang Bangsamoro Program ang lumahok sa Family Development Session (FDS) na isinagawa ng MSSD noong Enero 8, 2026, sa Barangay Rajahmuda, bayan ng Ligawasan.
Ang aktibidad ay may team na “Planning Your Children’s Education and Understanding Lifelong Learning,” na nakatuok sa lecture at workshop para sa mga solo parent.
Layunin ng sesyon na bigyan sila ng kaalaman at praktikal na estratehiya sa pagpaplano ng edukasyon ng kanilang mga anak, kasabay ng pagpapahalaga sa lifelong learning.
Nagbahagi rin ang mga kalahok ng kanilang mga hamon sa pagsuporta sa edukasyon ng kanilang mga anak, partikular sa pagharap sa kakulangan sa pinansyal, responsibilidad sa pag-aaruga, at pangmatagalang pagpaplano.
Pinagtitibay ng MSSD, sa pamamagitan ng Dakilang Bangsamoro Program, ang pangako nitong mapabuti ang kalagayan ng mga indigent solo parent at kanilang mga anak sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaalaman, kasanayan, at kumpiyansa upang makabuo ng mas matatag na pamilya.



Comments