top of page

₱7M na halaga ng ecstasy tablets, naharang sa Clark Freeport cargo area

  • Jan 6
  • 1 min read

iMINDSPH


Mahigit ₱7M na halaga ng hinihinalang ecstasy ang nasamsam ng mga awtoridad matapos itong maharang sa cargo area ng Clark Freeport.


Bandang alas-otso ng umaga, sinuri ng mga awtoridad ang dalawang inbound parcels sa cargo handling area ng Clark Freeport Zone na nagmula sa Innsbruck, Austria at patungo sana sa Davao City.


Dito nadiskubre ang humigit-kumulang 4,124 tablets ng hinihinalang ecstasy na itinago sa loob ng mga parcel.


Tinatayang aabot sa ₱7,040,125.00 ang halaga ng mga nasamsam na ilegal na droga batay sa standard drug price.


Ang mga kontrabando ay agad na isinailalim sa wastong pag-secure at resealing.


Nasa kustodiya na ito ng Bureau of Customs para sa turnover sa PDEA CRK-IADITG, alinsunod sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page