top of page

₱8.8M halaga ng ilegal na droga, nasamsam sa sunod-sunod na operasyon ng PNP; 8 Most Wanted Persons, timbog

  • Jan 5
  • 1 min read

iMINDSPH


Sa pagsalubong ng bagong taon, naglunsad ang PNP ng serye ng police-initiated operations sa iba’t ibang bahagi ng bansa bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad, alinsunod sa PNP Focus Agenda on Enhanced Managing Police Operations o EMPO.


Sa loob ng halos labing-isang oras na operasyon, walong most wanted persons ang nadakip sa magkakahiwalay na lugar sa Central Luzon, CALABARZON, Bicol Region, Western Visayas, National Capital Region, at iba pang key areas.


Kabilang sa mga inaresto ang Top 2, Top 3, Top 4, Top 6, Top 9, at Top 10 Most Wanted Persons na nahaharap sa mabibigat na kaso tulad ng murder, syndicated estafa, statutory rape, at iba pang heinous crimes. Ang lahat ng mga suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya para sa wastong proseso ng batas.


Kasabay nito, nagtala rin ng malaking tagumpay ang kampanya kontra ilegal na droga. Sa Kalinga, winasak ng mga awtoridad ang tinatayang pitong libong fully grown marijuana plants na may halagang ₱1.4 milyon sa isinagawang malawakang marijuana eradication operation.


Samantala, sa Cebu City, isang high-value individual ang naaresto sa isang joint buy-bust operation kung saan nasamsam ang mahigit isang kilo ng umano’y suspected shabu na nagkakahalaga ng ₱7.4 milyon.


Muling tiniyak ng Philippine National Police ang kanilang pangako sa walang humpay na pagpapatupad ng batas, paggalang sa karapatang pantao, at pagtitiyak ng kapayapaan at kaayusan sa buong bansa.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page