top of page

8 dating kasapi ng komunistang terorista, sumuko sa 37th Infantry Battalion

  • Teddy Borja
  • 1 day ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Pormal na nagbalik-loob sa pamahalaan ang walong dating mga kasapi ng Komunistang Terorista tanda ng kanilang tuluyang pagtalikod sa karahasan at armadong pakikibaka.


Ayon kay Lt. Col. Christopherson Capuyan, Commanding Officer ng 37th Infantry Battalion, ang mga dating rebelde ay kusang sumuko sa kanilang himpilan sa Camp BGen Cesar Betita, Brgy. Tibpuan, Lebak, Sultan Kudarat.


Kilala umano ang mga ito sa kanilang dating pagkakasangkot sa mga karahasan at terorismo sa bayan ng Sultan Kudarat, Sarangani at South Cotabato.


Dagdag pa ni Lt. Col. Capuyan, ang boluntaryong pagsuko ng mga natitirang myembro ng nabuwag na West Daguma Front, FSMR ay resulta ng walang humpay na pagsisikap ng 603rd Brigade, 37IB, PNP at Local Government Unit.


Ang pagtalikod ng mga ito sa kanilang dating organisasyon ay nagsisilbing matibay na patunay aniya ng humihinang impluwensya at gumuguhong istruktura ng organisasyon ng FSMR.


Sa kaniyang pahayag, binigyang-diin ni Brigadier General Michael Santos, Commander ng 603rd Infantry Brigade ang mahalagang papel ng lokal na pamahalaan at ng mamamayan sa likod ng tagumpay ng pagsukong ito:


Pinuri naman ni Major General Donald Gumiran, Commander ng Western Mindanao Command, 6th Infantry Division at ng Joint Task Force Central (JTFC), ang hakbang na ito ng mga dating rebelde.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page