Mga residente ng Barangay Nalinan, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte, tumanggap ng bigas at repacked food packs mula sa Project TABANG
- 2 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Tumanggap ng 100 piraso sako ng tig-10 kilong bigas at mga repacked food packs ang mga residente ng Barangay Nalinan, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.
Ipinamahagi ito ng Project TABANG sa mga benepisyaryo bilang bahagi ng patuloy na layunin ng programa na magbigay ng agarang suporta sa mga komunidad na higit na nangangailangan.
Ang pagbibigay ng mga ayuda ay mula sa direktiba ni BARMM Interim Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua sa pamamagitan ng programa, sa pamumuno ni Project Manager Brahim Lacua, na nagsusulong ng maagap at makataong pagtugon sa pangangailangan ng bawat mamamayang Bangsamoro.
Ang Project TABANG ay isang programang nakatuon sa pagbibigay ng tulong, pag-abot ng serbisyo, at pagpapakita ng malasakit sa mga komunidad, lalo na sa panahon ng pangangailangan at pagsubok. Patuloy nitong pinagtitibay ang diwa ng pagkakaisa at pagtutulungan para sa kapakanan ng bawat pamilyang Bangsamoro.



Comments