top of page

Tanggapan ni ICM Abdulraof Macacua, namahagi ng tulong sa mga residente ng Datu Blah Sinsuat, Maguindanao del Norte sa paglulunsad ng Pre-Ramadhan OCM Relief Goods Distribution

  • 26 minutes ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Nanguna sa koordinasyon upang matiyak ang maayos at sistematikong distribusyon ng tulong ang tanggapa ni Deputy Senior Minister Abdullah Cusain sa paglulunsad ng Pre-Ramadhan OCM Relief Goods Distribution sa bayan ng Datu Blah Sinsuat.


Naglalaman ang mga ipinamahaging relief packs ng mga pangunahing pagkain at sako-sakong bigas na makatutulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga pamilya habang naghahanda sa Ramadhan.


Kinilala ng pamahalaang Bangsamoro ang mahalagang papel ng lokal na liderato sa matagumpay na implementasyon ng programa. Kabilang sa pinasalamatan sina Mayor Raida Tomawis Sinsuat, Vice Governor Datu Marshal Sinsuat, ABC President Datu Mohammad I. Sinsuat, Tourism Officer Bai Islanea Kabamlan, at Municipal Administrator Shiela Aliah Tomawis-Sinsuat sa kanilang koordinasyon at pagtitiyak ng maayos na daloy ng distribusyon.


Ayon sa programa, para sa mga matatanda, magulang, at kabataang pumila upang tumanggap ng ayuda, ang mga kahon ng relief goods ay hindi lamang simpleng tulong pagkain. Ito ay simbolo anila ng malasakit at presensya ng pamahalaan sa panahon ng pangangailangan—lalo na sa isang mahalagang yugto ng pananampalataya.


Sa ilalim ng pamumuno ni Chief Minister Macacua, ayon sa pahayag ng programa, ,ipinapakita ng BARMM Government na ang paghahanda sa Ramadhan ay hindi lamang espiritwal, kundi konkretong pagkilos para sa kapakanan ng bawat Bangsamoro—isang pagsasabuhay ng moral governance at ng adhikaing Mas Matatag na Bangsamoro.



 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page