8 dating miyembro ng CPP-NPA-NDF at 1 MILF, kabilang sa listahan ng unang batch ng amnesty grantees sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr
- Diane Hora
- Oct 3
- 2 min read
iMINDSPH
Sa isang makasaysayang hakbang para isulong ang peace, reconciliation, at unity agenda ng administrasyon ni President Ferdinand R. Marcos Jr., opisyal nang inaprubahan at nirelease ng tanggapan ng Pangulo ang first batch ng amnesty grantees sa ilalim ng National Amnesty Program.
Ayon sa National Amnesty Commission o NAC ito ay kinabibilangan ng walong dating miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front o CPP-NPA-NDF at isang dating miyembro ng Moro Islamic Liberation Front o MILF.
Sa kabuuan, lima ang babae at apat ang lalaki. Dalawa sa mga babae ay may edad 20 at 21.
Ang amnesty program ay alinsunod sa mga Proclamation Nos. 403, 404, 405, at 406 na nilagdaan ni Pangulong Marcos Jr. noong Nobyembre 22, 2023, na naggagawad ng amnestiya sa mga kasapi ng RPMP-RPA-ABB, CPP-NPA-NDF, MILF, at MNLF.
Kasunod nito, naglabas ang House of Representatives ng apat na House Concurrent Resolutions (HCRs) noong Disyembre 15, 2023, at pinagtibay ng Senado ang mga proklamasyon noong Marso 2024.
Sinabi ng Palasyo na ang pagbibigay ng amnestiya ay patunay ng commitment ng administrasyon na isulong ang national unity at long-term peace. Layunin nitong bigyan ng legal at makataong daan ang dating mga rebelde upang makabalik sa lipunan at makapagsimula muli bilang law-abiding citizens.
Ayon kay Presidential Peace Adviser Carlito G. Galvez Jr., ang desisyon ay isang “historic milestone” sa bansa.
Itinuring ni Galvez na ang pagbibigay ng amnestiya ay bahagi ng Transitional Justice and Reconciliation TJR strategy ng gobyerno.
Kabilang sa mga nabigyan ng amnestiya ang kilalang MILF commander na si Basit Sarip Abbas, na ngayon ay nagsisilbi bilang Member of Parliament sa Bangsamoro Government. Ayon kay Galvez, si Abbas ay magiging inspirasyon sa iba pa niyang kasamahan upang mag-apply ng amnestiya at tuluyang magbago bilang mapayapa at produktibong mamamayan.
Patuloy na tinatanggap ng National Amnesty Commission (NAC) ang mga aplikasyon sa pamamagitan ng mga Local Amnesty Boards (LABs) nationwide.
Ang inisyatiba ay bahagi ng mas malawak na pambansang estratehiya upang tugunan ang ugat ng insurgency at conflict sa pamamagitan ng inclusive peacebuilding, social justice, at rule of law.




Comments