top of page

8 high-powered loose firearms, isinuko sa militar mula sa iba’t ibang barangay ng Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao del Sur

  • Diane Hora
  • Jan 21
  • 1 min read

iMINDSPH


Isinuko ang walong matataas na kalibre ng armas sa militar, araw ng Martes, January 20.


Ayon kay Lt. Col. William Sabado, ang Acting Commanding Officer ng 1MechBn, ang pagsuko ng mga baril ay naging matagumpay sa tulong ng mga lokal na opisyal at mga residente ng mga barangay sa nasabing bayan, bilang bahagi ng kanilang pagsuporta sa Small Arms and Light Weapons Management Program (SALWMP), isang programa na naglalayong sugpuin ang iligal na pag-aari ng armas at matiyak ang kaligtasan ng mga komunidad.


Kabilang sa mga isinukong mga armas ay ang mga sumusunod: isang Mortar, 60mm; isang Rocket Propelled Grenade; isang Rifle, 7.62mm M14; isang Rifle, 7.62mm; isang Grenade Launcher, 40mm M203 at tatlong Grenade Launchers, 40mm M79.


Ang mga armas ay pormal na tinanggap ni Brigadier General Edgar Catu, Brigade Commander ng 601st Brigade, sa isang seremonya na isinagawa sa Municipal Hall ng Barangay Adaon, Datu Anggal Midtimbang, na sinaksihan din ni Mayor Nathaniel Midtimbang.


Ayon kay Brig. Gen. Catu, ang pagsuko ng mga armas ay isang malinaw aniya na patunay ng kooperasyon ng mga komunidad sa laban kontra iligal na armas.


Sinabi naman ni Major General Jose Vladimir Cagara, Commander ng 6th Infantry Division at JTFC, na ang pakikipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan, pati na rin ang kooperasyon ng mga mamamayan, ay nagsisilbing inspirasyon sa iba pang mga komunidad.


Ang hakbang na ito ayon sa 6th ID, ay bahagi ng patuloy na kampanya ng Philippine Army at iba pang mga ahensya ng gobyerno upang masugpo ang pagkalat ng illegal na armas at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong rehiyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page