top of page

8 High-Value Individuals, arestado sa ikinasang operasyon ng awtoridad sa Kidapawan City; Drug den sa lugar, giniba sa operasyon

  • Teddy Borja
  • Oct 29
  • 2 min read

iMINDSPH


ree

Arestado ang walong High-Value Individuals at giniba ang isang drug den sa lugar sa ikinasang operasyon ng awtoridad. Nagkaroon din ng putukan bago tuluyang nakontrol ng awtoridad ang lugar


Isinagawa ang operasyon sa Barangay Poblacion, Kidapawan City laban sa isang alyas “Awing”.


Nagkaroon ng sagupaan sa pagitan ng mga operatiba at ng mga pinaghihinalaang kasamahan ng target bago tuluyang makontrol ng mga awtoridad ang lugar.


Ang operasyon ay nagresulta sa pagbuwag ng isang drug den at pagkakaaresto sa walong HVI.


• Alyas “Awing,” 35 taong gulang, residente ng Brgy. Poblacion, Kidapawan City;

• Alyas “Kokoy,” 20 taong gulang, residente ng Brgy. Patadon, Kidapawan City;

• Alyas “Toto,” 38 taong gulang, residente ng Brgy. Kudal, Pagalungan, Maguindanao del Sur;

• Alyas “Judel,” 18 taong gulang, residente ng Brgy. Singao, Kidapawan City;

• Alyas “Aljun,” 24 taong gulang, residente ng Brgy. Manobisa, Magpet, Cotabato;

• Alyas “Russ,” 33 taong gulang, residente ng Brgy. Manubuan, Matalam, Cotabato;

• Alyas “Mark,” 21 taong gulang, residente ng Brgy. Magsaysay, Kidapawan City; at

• Alyas “Jude,” 36 taong gulang, residente ng Brgy. Singao, Kidapawan City.


Samantala, si alyas “Thea”, na kinilalang isa pang tagapangalaga ng drug den, ay nakatakas at kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad.


Nakumpiska sa operasyon ang labing-siyam (19) na sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na tinatayang 15 gramo at may halagang ₱102,000.00 batay sa Standard Drug Price, isang kalibre .45 baril na may tatlong bala, isang cellphone, at iba’t ibang drug paraphernalia.


Ang mga naarestong suspek ay dinala sa Kidapawan City Police Station para sa wastong dokumentasyon at pagsasampa ng mga kaukulang kaso, habang ang lahat ng nakumpiskang ebidensya ay isinailalim sa kustodiya ng PDEA North Cotabato Provincial Office para sa tamang disposisyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page