top of page

8 indibidwal ang arestado sa South Cotabato sa magkakahiwalay na anti-illegal drug at law enforcement operations ng awtoridad

  • Teddy Borja
  • Oct 8
  • 2 min read

iMINDSPH


ree

Walong indibidwal ang arestado sa magkakahiwalay na anti-illegal drug at law enforcement operations.


Matagumpay na nagsagawa ng magkakasunod na anti-illegal drug operations at law enforcement operations ang South Cotabato Police Provincial Office (SCPPO) sa iba’t ibang lugar ng lalawigan noong Oktubre 6, 2025, na nagresulta sa pagkakaaresto ng ilang drug suspects at wanted persons.


Dakong 6:35 ng gabi, ikinasa ng Polomolok Municipal Police Station, katuwang ang SCPPO Drug Enforcement Unit (DEU) at SCPPO Provincial Intelligence Unit (PIU), sa koordinasyon ng PDEA 12, ang isang buy-bust operation sa Barangay Magsaysay, Polomolok.


Naaresto sa operasyon sina alias “Drin” at alias “Lea”, kapwa residente ng nasabing barangay. Narekober mula sa kanilang pag-iingat ang ilang sachet ng hinihinalang shabu at ang marked money na ginamit sa transaksyon.


Alas 11:30 ng umaga, matagumpay ding naisilbi ng pinagsanib na puwersa ng Koronadal City Police Station (CPS), Isulan MPS, Sultan Kudarat Police Provincial Office (SKPPO), CIDG South Cotabato PFU, South Cotabato Highway Patrol Unit, SCPIU, at RID 12 Tracker Team Charlie ang Warrant of Arrest laban kay alias “Kalbo” sa Barangay Kolambog, Isulan, Sultan Kudarat.


Ang suspek ay wanted sa dalawang kaso ng Rape at kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya para sa karampatang disposisyon ng korte.


Samantala, bandang 4:53 ng hapon, nagsagawa rin ng buy-bust operation ang Koronadal City Police Station, kasama ang South Cotabato Provincial DEU at iba pang kaukulang yunit sa Barangay Morales, Koronadal City.


Naaresto sa operasyon sina alias “Juls” at alias “Ter”, kung saan nasamsam ang ilang sachet ng hinihinalang shabu at buy-bust money.


Pagsapit naman ng 9:13 ng gabi, isa pang buy-bust operation ang isinagawa sa Barangay New Pangasinan, Koronadal City, sa pangunguna ng Koronadal CPS-CPDEU, SCPPDEU, SCPIU, at RID 12 Tracker Team Charlie, sa koordinasyon ng PDEA 12.


Naaresto sina alias “Butche” at alias “Joy”, kung saan nasamsam din ang mga sachet ng hinihinalang shabu at buy-bust money.


Lahat ng mga naarestong suspek at nakumpiskang ebidensya ay dinala sa kani-kanilang operating police stations para sa dokumentasyon at wastong disposisyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page