top of page

8 pasahero nasawi matapos lumubog ang MV Trisha Kerstin 3 sa Pilas Island Hadji Muhtamad, Basilan na mula sa Zamboanga port at patungong Jolo, Sulu

  • Diane Hora
  • Jan 26
  • 1 min read

iMINDSPH



Ito ay batay sa social media post ni Mayor Arsina Kahing-Nanoh ng Pilas Island Hadji Muhtamad, Basilan. Ayon sa alkalde, pitong katao na nailigtas ng kanilang bantay dagat sa Brgy. Baluk-Baluk ng bayan.


Agad itong i-turnover ng LGU sa Coastguard Basilan papuntang Isabela City. Habang ang ibang narescue ay agad na-i-turnover ng Bantay dagat sa mga malalaking barko ng Coastguard.


Sakop ng Pilas, Hadji Muhtamad ang lugar kung saan nangyari ang insidente ng paglubog ng barko.


Ayon sa Philippine Coast Guard District Southwestern Mindanao ang passenger-cargo vessel na M/V Trisha Kerstin 3, na pinatatakbo ng Aleson Shipping, ay lumubog habang patungo sa Jolo bandang alas-1:50 ng madaling araw ngayong Enero 26, 2026.


Sakay ng nasabing barko ang 332 pasahero at 27 tripulante nang mangyari ang insidente humigit-kumulang 2.75 nautical miles hilagang-silangan ng Baluk-Baluk Island, Basilan.


Batay sa paunang imbestigasyon, umalis ang M/V Trisha Kerstin 3 sa Zamboanga City bandang alas-9:20 ng gabi noong Enero 25, 2026, at naglalayag sa loob ng pinahihintulutang maximum passenger capacity na 352.


Matapos matanggap ang distress call mula sa sea marshal ng Philippine Coast Guard na sakay ng barko, agad na nag-deploy ang CGDSWM ng BRP Tubbataha (MRRV-4401) mula sa Zamboanga City upang magsagawa ng search and rescue operations.


 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page