81 mm mortar, nahukay ng isang backhoe operator sa municipal hall compound; Explosive, nasa kustodiya na ng PNP EOD para sa dagdag na examination at safekeeping
- Teddy Borja
- Oct 20
- 1 min read
iMINDSPH

Habang nagsasagawa ng excavation ang isang backhoe operator alas 3:21 ng hapon, araw ng Biyernes, October 17 sa loob ng municipal hall compound ng Parang, Maguindanao del Norte, para sa itinatayong parke, nahukay ang isang 81 mm mortar.
Ayon sa Explosive and Ordnance Disposal Team, may kalumaan na ang explosive at wala na rin itong fuse.
Ligtas itong nirekober ng EOD at nasa kanila nang pangangalaga para sa karagdagang eksaminasyon.
Pinuri naman ng awtoridad ang mabilis na pagpapaalam sa insidente kaya maagap na natugunan ang sitwasyon.



Comments