top of page

₱816K HINIHINALANG SHABU Nasamsam sa isinagawang joint buy-bust operation sa Cagayan de Oro City; Drug suspect, Arestado

  • Mar 9
  • 1 min read

iMINDSPH



Kinilala ang suspek sa alyas na “Alimodin”, 32 taong gulang, binata, walang trabaho, at residente ng Barangay Macabalan, Cagayan de Oro City.


Nasamsam mula sa suspek ang walong piraso ng heat-sealed transparent plastic cellophane na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu.


Tinatayang may kabuuang bigat na 120 gramo ang nakumpiskang ilegal na droga.


Narekober din sa operasyon ang isang pouch at ang ₱1,000 buy-bust money na ginamit sa transaksyon.


Isinagawa ang joint buy-bust operation ng mga operatiba ng Regional Police Drug Enforcement Unit 10, katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 10, Police Station 5 ng Cagayan de Oro City Police Office, City Mobile Force Company, Regional Intelligence Unit 10, at PDEG SOU-10.


Ang suspek ay kasalukuyang nakadetine sa Maharlika Detention Facility habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Regional Forensic Unit 10 para sa qualitative at quantitative examination.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page