₱85K halaga ng puslit na sigarilyo, narekober sa Public Market ng GenSan; Suspek, arestado
- Jan 21
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ng awtoridad sa anti-smuggling inspection at awareness campaign sa lungsod ang isang suspek habang mahigit ₱85,000 halaga ng pinaniniwalaang puslit na sigarilyo ang nasamsam.
Nagsagawa ng inspection at information drive ang awtoridad nang mamataan ang isang lalaki habang nag-aayos ng mga pinaghihinalaang puslit na sigarilyo sa Dry Goods Section ng pampublikong pamilihan.
Kinilala ang suspek bilang si alias “Rajj”, 49 taong gulang, may asawa, at residente ng Barangay Poblacion, Alabel, Sarangani Province.
Kinumpirma ng Bureau of Customs na ang mga imported cigarette brands ay smuggled o iligal na ipinasok sa bansa.
Agad na inaresto ang suspek. Nasamsam mula sa kanyang pag-iingat ang mga sumusunod-
na may kabuuang halagang ₱85,652.20.
[GRAPHICS]
(9) na reams ng Cannon Menthol,
(42) na reams ng Greenhill,
(35) na reams ng King Perfect
(12) na reams ng New Berlin
(11) na reams ng Fort Menthol cigarettes,
Dinala ang suspek sa Police Station 6, GSCPO, habang ang mga nakumpiskang ebidensya ay itinurn-over sa Bureau of Customs para sa wastong pag-iingat at disposisyon. Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act laban sa suspek.



Comments