₱865K halaga ng puslit na sigarilyo, nasamsam sa Barira, Maguindanao del Norte; Driver ng sasakyan, arestado
- Jan 6
- 1 min read
iMINDSPH

Mahigit ₱865K na halaga ng puslit na sigarilyo ang nasamsam ng mga awtoridad matapos maharang ang isang sasakyan sa isinagawang joint checkpoint operation.
Nasabat ng PNP PRO BAR ang 1,102 reams ng assorted smuggled cigarettes na may tinatayang halagang ₱865,070.00, lulan ng isang sasakyan, sa isang checkpoint operation sa Barangay Poblacion, Barira, Maguindanao del Norte, January 5, 2026.
Bigo ang driver ng sasakyan na magpakita ng kaukulang dokumento para sa kargang sigarilyo, dahilan para siya ay arestuhin.
Haharap ang driver sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10845 o Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.
Isinailalim sa wastong inventory at dokumentasyon ang mga nasamsam na ebidensya bago dinala ang suspek sa Barira Municipal Police Station para sa kaukulang booking at imbestigasyon.



Comments