top of page

88 indibidwal, arestado ng mga elemento ng Davao City Police Office sa iba’t ibang operasyon mula August 31-September 6, 2025

  • Teddy Borja
  • Sep 9
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Walompu’t walong indibidwal ang arestado rin sa Davao City sa iba’t ibang operasyon na ikinasa ng Davao City Police Office Mula August 31 hanggang September 6, 2025


Sa nakalipas na linggo, nakapagsagawa ang DCPO ng 33 anti-illegal drug operations kung saa nadakip ang 36 suspek at nakumpiska ang 149.8230 gramo ng suspected shabu na tinatayang nagkakahalaga ng ₱1,018,796.40, at 13,366.50 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng ₱1,603,980.00.


Nagkasa din ng 13 anti-illegal gambling operations kung saan nahuli ang 17 indibidwal, nakumpiska ang ₱4,175.00 na perang pantaya, at naisampa ang 13 kaso.


33 operations naman ang ikinasa laban sa wanted persons kung saan naaresto ang 33 indibidwal, kabilang ang 11 most wanted persons.


Habang 3 operations ang isinagawa laban sa loose firearms na nagresulta sa pagkakaaresto ng 2 suspek, pagkakakumpiska ng 2 baril, pagbawi ng 1 baril, at pagsasampa ng 2 kaso.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page