89 kilos ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P600 million, nasamsam ng PDEA, RDEU at PDEG sa Rio Hondo, Zamboanga City; 3 indibidwal, arestado
- LERIO BOMPAT
- Sep 1
- 1 min read
iMINDSPH

Mahigit anim na raang milyong pisong halaga ng suspected shabu ang nasamsam ng awtoridad sa interdiction operation sa Rio Hondo, Zamboanga City. Arestado rin sa operasyon ang tatlong indibidwal.
Tumitimbang ng 89 kilos ang nakumpiskang iligal na droga araw ng Linggo, August 31, 2025.
Ang operasyon ay ikinasa ng pinagsanib na pwersa ng Regional Drug Enforcement Unit RDEU, Philippine Drug Enforcement Agency PDEA at Philippine National Police Drug Enforcement Group o PNP-DEG
Nasa kustodiya na ng awtoridad ang 3 suspek.



Comments