9.5 million pesos smuggled cigarettes, nasabat ng mga tauhan ng Datu Odin Sinsuat PNP sa isang checkpoint; 2 indibidwal, arestado
- Teddy Borja
- Oct 2
- 1 min read
iMINDSPH

Nasabat ng mga tauhan ng Datu Odin Sinsuat PNP ang 9.5 million pesos na halaga ng smuggled cigarettes sa isang checkpoint kung saan arestado ang dalawang indibidwal.
Kinilala ang mga nahuling suspek sa alyas na “Ry”, 22 anyos at alyas “Mark”, 26-anyos, residente ng New Isabela, Tacurong City.
Mahigit dalawang daang kahon ng puslit na sigarilyo na isinakay sa dalawang van ang nasabat ng awtoridad.
Nasa kustodiya na ng DOS MPS ang mga suspek, sasakyan, at nakumpiskang puslit na sigarilyo.
Haharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang PNP sa Bureau of Customs para sa seizure proceedings, habang natapos na ang documentation at booking procedures ng mga naarestong suspek.



Comments