top of page

₱9.6-M LIFE-SAVING EQUIPMENT AT COMMODITIES Tinanggap ng Ministry of Health BARMM mula sa U.S. government

  • 1 day ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Pormal na tinanggap ng MOH BARMM ang PhP 9.6 million o US$167,000 na halaga ng biomedical, laboratory, at oxygen-related equipment and supplies mula sa U.S. Embassy sa bansa.


Nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat si Deputy Health Minister Dr. Zul Qarneyn Abas sa patuloy at matibay na pakikipagtulungan ng U.S. Embassy sa Bangsamoro.


Ayon kay Dr. Abas, malaking tulong ang partnership na ito sa pagsusulong ng mas malusog, mas ligtas, at mas matatag na komunidad sa Bangsamoro.


Ang mga life-saving resources na ibinigay sa ilalim ng naturang kooperasyon ay ipinamahagi sa siyam na pampublikong ospital na nagsisilbi sa iba’t ibang komunidad sa Bangsamoro region.


Layunin nitong palakasin ang kakayahan ng mga ospital na makaiwas, makadetect, at makatugon sa mga banta sa kalusugan, upang matiyak na ang mahahalagang serbisyong medikal ay makarating sa mga taong higit na nangangailangan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page