9 indibidwal, arestado sa 5 magkahiwalay na anti-illegal drug operations sa Davao City; P1,560,736 na halaga ng suspected shabu, nakumpiska ng otoridad
- Teddy Borja
- Jan 13
- 1 min read
iMINDSPH

Siyam na drug personalities ang arestado at mahigit isang milyong piso na halaga ng suspected shabu ang nakumpiska sa limang anti-illegal drug operations na ikinasa ng otoridad.
Iniulat ng Davao City Police Office na P1,560,736.00 na halaga ng supsected shabu ang nakumpiska sa bente kwatro oras na operasyon.
Sa Police Station 2, San Pedro Php 4,420.00 na halaga ng suspected shabu ang nasamsam.
Sa Police Station 8-Toril Php 1,024,760.00 na halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nakumpiska.
Php 490,756.00 sa Police Station 10 -Calinan at Php 40,800.00 sa Police Station 16-Maa.
Nagpapasalamat ang otoridad sa suporta ng mga barangay officials at komunidad sa pakikiisa sa kampanya kontra illigal na droga.
Comments