top of page

9 NA MARKADZ AT ORPHANAGE CENTERS SA PAGALUNGAN, MAGSUR, TUMANGGAP NG BIGAS AT FOOD PACKS MULA SA HOMES PROGRAM

  • Diane Hora
  • Nov 12, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH



Namigay ng limampu’t isang sako ng tig-25 kilos ng bigas na may kasamang food packs ang Project TABANG sa mga Markadz at Orphanage Centers ng Buliok, sa bayan ng Pagalungan, Maguindanao del Sur, araw ng Lunes, November 11.



Ito ay sa pamamagitan ng Humanitarian for Orphanages, Markadz, Elderlies and with Special Needs o HOMES Program ng opisina ni Chief Minister Ahod Ebrahim.



Ang mga nakatanggap ay ang:


1. Markadz Dawadi Aytam

2. Markadz Talitay

3. Markadz Subatulluga

4. Markadz Salman Bolioc

5. Markadz Monera

6. Markadz Maimana

7. Markadz Tadabbor

8. Markadz Norul Hikmah

9. Markadz Darul Hijrah Bolioc



Ang HOMES ang isa sa mga sub-programs ng Project Management Office’s Humanitarian Response and Services na naglalayong magbigay ng serbisyo sa mga orphans, senior citizens, person with disabilities, at with special needs.



 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page