9 Recruitment Agency mula sa BARMM Region, dumalo sa isinagawang Bangsamoro Recruitment Agency Development Program Regional Summit sa Cotabato City ngayong araw
- Diane Hora
- Oct 2
- 1 min read
iMINDSPH

Ginanap ngayong araw ang Bangsamoro Recruitment Agency Development Program Regional Summit (BRADPS) sa Cotabato City kung saan nakibahagi ang siyam na recruitement agency mula sa BARMM Region.
Pinangunahan ito ni BEPW-MOLE Dir.1 Sara Jane Sinsuat kasama sina MOLE Deputy Minister Tommy Nawa at Gary Alix, ang Bangsamoro Director General ng MOLE BARMM.
Layon ng aktibidad na bigyang kaalaman ang mga ahensya ukol sa mga legal na proseso, tamang pamantayan at itekal na pagrerecruit ng mga mangagawang Bangsamoro.
Naghayag naman ng pasasalamat si Retired Col. Donald Hongitan Branch Manager ng DOHA International Manpower Services Company na nakadalo sa isinagawang programa ng MOLE.



Comments