₱90 THOUSAND SUSPECTED SHABU, NASAMSAM sa anti-illegal drug operation sa Barangay Buadiamaloy, Masiu, Lanao del Sur
- Apr 13
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang isang hinihinalang drug personality na kilala sa alyas na “Apon”, sa isinagawang joint buy-bust operation sa Barangay Buadiamaloy, Masiu, Lanao del Sur noong Abril 11, 2026.
Aabot sa mahigit siyamnapung libong pisong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam.
Nakumpiska mula sa suspek ang kabuuang 13.24 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na ₱90,032.
Kabilang sa mga ebidensyang narekober ang dalawang sachet na ginamit bilang buy-bust item na may bigat na 0.24 gramo, at labing-apat pang sachet na may kabuuang 13 gramo ng ilegal na droga.
Nasamsam din ang buy-bust money, belt bag, identification card, motorsiklo, wallet, cellphone, mga lighter, gunting, bamboo stick na ginagamit umano sa pagrerepack, at iba pang drug paraphernalia.
Ang operasyon ay pinangunahan ng Philippine National Police partikular ang Masiu Municipal Police Station, katuwang ang Bravo Company ng 5th Infantry Battalion ng Philippine Army.
Dinala ang suspek sa Masiu Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaso sa ilalim ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments