top of page

₱984K halaga ng smuggled na sigarilyo, nasamsam; Dalawang suspek, arestado

  • Teddy Borja
  • Feb 3
  • 1 min read

iMINDSPH



Nasamsam ng awtoridad ang ₱984K halaga ng hinihinalang smuggled na sigarilyo sa checkpoint operation.


Kilala ang mga suspek na sina alyas “Zoren”, at ang kanyang 29-anyos na pasahero na si alyas “Alshemar”.


Pinara ng mga awtoridad ang isang minivan na minamaneho ng suspek. Sa isinagawang inspeksyon, namataan ng mga operatiba sa plain view ang ilang kahon ng hinihinalang smuggled na sigarilyo sa loob ng sasakyan, dahilan upang agad na arestuhin ang dalawang suspek.


Nakumpiska sa operasyon ang 23 kahon ng San Marino cigarettes na may tinatayang standard value na ₱984,032.00.


Isinagawa ang joint checkpoint operation 9:45 ng gabi, araw ng Linggo, February. Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Police Station 2, City Mobile Force Company, Traffic Enforcement Unit, at City Intelligence Unit ng General Santos City Police Office, katuwang ang Coast Guard Counter-Intelligence Southern Mindanao.


Dinala ang mga suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Police Station 2 para sa wastong dokumentasyon at disposisyon, habang inihahanda ang kaukulang kaso.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page