ππ’π¬πππ‘ππ§ π§π π¦π π ππ±π‘π’ππ’ππ¨π« π¬π πππ§π π¬ππ¦π¨π«π¨ πππ¦πππ‘ππ§ ππ«πππ π ππ’π«, π’π§π’π₯ππππ¬ π§π π§π ππππ
- Feb 16
- 1 min read
iMINDSPH

Ayon sa Ministry of Trade, Investments and Tourism, layunin ng taunang trade fair na mabigyan ng mas malawak na merkado at exposure ang mga lokal na negosyante at MSMEs sa rehiyon, kasabay ng pagdiriwang ng banal na buwan ng Ramadhan.
Bukas ang trade fair mula 2:00β6:00 ng hapon at 7:45β10:30 ng gabi, upang mabigyan ng sapat na oras ang mga mamimili matapos ang Suhur at bago at pagkatapos ng Iftar.
Tampok sa mga stalls ang ibaβt ibang produktong lokalβmula sa pagkain, kasuotan, handicrafts, hanggang sa iba pang produktong gawa ng mga Bangsamoro entrepreneurs.
Hinimok ng MTIT ang publiko na bisitahin ang mga booth kasama ang pamilya at mga kaibigan bilang suporta sa patuloy na pagbangon at pag-unlad ng lokal na ekonomiya.
Ayon sa MTIT, a pamamagitan ng Ramadhan Trade Fair, hindi lamang pinalalakas ang sektor ng kalakalan, kundi isinusulong din ang diwa ng pagtutulungan at malasakit sa kapwaβisang mahalagang aral ng Ramadhan.



Comments