top of page

Accomplishment report at development plans para sa 2026 - 2028 ng mga ahensya ng Maguindanao del Sur Provincial Government na naka angkla sa GIVE-HEART program ng pamahalaang panlalawigan, inilatag

  • Diane Hora
  • Oct 9
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa ilalim ng liderato ni Maguindanao del Sur Governor Datu Ali Midtimbang, pinangunahan ni Maguindanao del Sur Vice Governor Ustadz Hisham Nando ang Local Legislative-Executive Development Advisory Council o LLEDAC meeting, araw ng Miyerkules.


Layunin ng LLEDAC na pagtibayin ang ugnayan at koordinasyon ng executive at legislative branches ng pamahalaang panlalawigan.


Ipinaliwanag ni MILG Maguindanao del Sur Provincial Director Engr. Amina Dalandag, ang mga legal na batayan ng LLEDAC nang sa ganon ay masigurong nauunawaan ng lahat ang mandato at layunin ng konseho.

Isa-isa ring nagbahagi ng kanilang accomplishment report at development plans ang mga dumalo sa pulong para sa 2026 hanggang 2028 ang mga ahensya na nakalinya sa GIVE-HEART program ng provincial government, isang malawakang inisyatiba na nakatuon sa good governance, inclusive growth at kapakanan ng komunidad.


Binigyang-diin din naman ni Governor Midtimbang ang kahalagahan ng pagkakaisa ng mga tanggapan, upang mas epektibong maipatupad ang mga programang tunay na tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan.



Kabilang sa mga dumalo ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, mga Department Heads at kinatawan mula sa mga tanggapan ng iba't ibang ministeryo ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, kabilang na ang mga opisyal mula sa PNP, PDEA at BFP.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page