ACCREDITED NA NG MOLESa ilalim ng RAD-BEPW ang isang foreign manpower recruitment agency
- Mar 9
- 1 min read
iMINDSPH

Accredited na ng Recruitment and Accreditation Division under the Bureau of Employment Promotion and Welfare (RAD-BEPW) ng Ministry of Labor and Employment (MOLE), ang
Philippine-RN Recruitment Agency, Inc.
Kasunod nito, maari nang mag-recruit ng jobseekers ang ahensiya sa iba’t ibang panig ng BARMM mula March 4, 2026 hanggang March 3, 2029.
Ayon sa MOLE, ang akreditasyon ay bahagi ng pagpapatupad ng mga regulasyon sa recruitment upang matiyak ang proteksyon sa karapatan at kapakanan ng mga manggagawang Bangsamoro.
Sa ilalim ng BAA No. 9, kinakailangang kumuha ng akreditasyon mula sa MOLE ang lahat ng recruitment agencies na nag-ooperate sa loob at labas ng BARMM kung sila ay kumukuha ng mga aplikante mula sa rehiyon.
Ang naturang akreditasyon ay nire-renew tuwing tatlong taon, bilang bahagi ng mekanismo ng pamahalaan upang matiyak ang maayos at lehitimong recruitment practices para sa mga naghahanap ng trabaho sa ibang bansa.



Comments