top of page

Administrative Supervision at Operational Control ng Sulu Provincial Police Office, opisyal nang pamamahalaan ng PNP PRO 9

  • Sep 17, 2025
  • 1 min read

iMINDSPH



Pormal nang pamamahalaan ng PNP PRO 9 ang Sulu Provincial Police Office sa usapin ng administrative supervision at operational control. Ito’y matapos ang isinagawang turnover ceremony sa Camp PSSupt. Julasirin Kasim sa Jolo, Sulu.


Alinsunod sa Executive Order No. 91 kung saan isinasaad na bahagi ng Rehiyon 9 o Zamboanga Peninsula ang lalawigan ng Sulu, pormal nang pamamahalaan ng PNP PRO 9 ang administrative supervision at operational control ng Sulu Provincial Police Office.


Idinaos ang turnover ceremony sa Camp PSSUPT Julasirin Kasim, Barangay Asturias, Jolo, Sulu, na nagsilbing makasaysayang yugto sa pagpapatibay ng mandato ng PRO 9 na panatilihin ang kapayapaan, seguridad, at kaayusan sa rehiyon.


Dumalo sa naturang seremonya bilang Guest of Honor and Speaker si Gov. Abdusakur Tan II ng Sulu, na pinangunahan ni Police Major General Atty. Lex Ephraim Gurat, Director for Plans o TDPL.


Kabilang sa mga kinatawan ng PRO 9 na dumalo sa seremonya si Regional Director na si PBGEN Eleazar Matta, kasama sina PCOL Narciso Paragas, Acting Deputy Regional Director for Operations, at PCOL Elmer Lim, Acting Chief of Regional Staff, gayundin ang iba pang mahahalagang opisyal ng rehiyon.


Ang paglipat ng pamamahala ay hindi lamang simpleng pagbabagong istruktura ayon sa PNP PRO 9 — ito rin anila ay patunay ng tiwala at kumpiyansa ng pambansang punong-himpilan sa kakayahan ng PRO 9 na mamuno.


 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page