Agarang pagbibigay ng tulong sa mga apektado ng lindol sa Cebu, ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr
- Diane Hora
- Oct 1
- 1 min read
iMINDSPH

Agad ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pagbibigay ng agarang tulong sa mga apektadong komunidad ng 6.9 magnitude quake sa Cebu.
Iniatas na ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na gumawa na ng hakbang para sa mabilis na paghahatid ng tulong sa mga naapektuhan ng nangyaring malakas na lindol sa Cebu.
Ayon sa Presidential Communications Office, agad na inalerto ng Department of Health ang kanilang mga tauhan na pinaka malapit sa area.
Nagsimula na rin aniya silang magpadala ng mga medical team sa mga karatig-lugar, lalo na sa mismong Lungsod ng Bogo.



Comments