top of page

Agarang tulong, tiniyak ng Bangsamoro Government sa mga pamilyang nasunugan sa Bongao, Tawi-Tawi

  • Diane Hora
  • Feb 4
  • 1 min read

iMINDSPH



Tiniyak ng Pamahalaang Bangsamoro ang agarang tulong at patuloy na suporta sa mga residenteng naapektuhan ng sunog sa Barangay Lamion, Bongao, Tawi-Tawi.


Sa pahayag ni BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua, ipinaabot nito ang

taos-pusong pakikiramay sa mga pamilyang nawalan ng tahanan at kabuhayan bunsod ng insidente, at pinasalamatan na walang naiulat na nasawi sa sunog.


Ayon kay Macacua, mula pa kagabi ay patuloy ang kanyang pakikipag-ugnayan kay Tawi-Tawi Governor Yshmael Sali at sa pamahalaang panlalawigan upang masiguro ang mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng mga apektadong residente.


Kasabay nito, inatasan ang mga kaukulang ministeryo ng Bangsamoro Government, kabilang ang BARMM-READi at Project TABANG, na makipag-ugnayan sa Pamahalaang Bayan ng Bongao at sa Pamahalaang Panlalawigan ng Tawi-Tawi para sa pagpapatupad ng relief operations, pagsasagawa ng rapid needs assessment, at agarang pamamahagi ng tulong sa mga biktima.


Binigyang-diin ng Interim Chief Minister na sa kabila ng kalungkutan at pinsalang idinulot ng sunog, nananatiling nagkakaisa ang komunidad ng Bangsamoro. Aniya, mahalagang pairalin ang pagtutulungan at malasakit upang matulungan ang mga apektadong pamilya na makabangon at makapagsimulang muli.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page