AGRICULTURAL ASSISTANCE PROGRAM Ipinagkaloob ng Office of the Chief Minister sa 50 pamilya ng magsasaka sa Bongao, Tawi-Tawi
- 2 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Tumanggap ng cassava stalks, agricultural supplies, at farming equipment mula sa Project Tabang ng tanggapan ng Chief Minister (OCM) ang mahigit limampung pamilya ng magsasaka sa
Sitio Arsafria, Barangay Lapid-Lapid, Bongao, Tawi-Tawi.
Isinagawa ang distribusyon, araw ng Miyerkules, Marso 25, 2026.
Bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng solar-powered electric knapsack sprayer, 50 kilo ng complete fertilizer, dalawang bote ng foliar fertilizer, at 200 piraso ng cassava cuttings.
Bago ang pamamahagi, dumalo ang mga benepisyaryo sa isang maikling orientation tungkol sa women’s rights at mga legal na usapin na pinangunahan ng Bangsamoro Women Commission (BWC) Tawi-Tawi Office, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng kaalaman sa batas at pagpapalakas ng kababaihan sa komunidad.
Nakibahagi rin sa aktibidad ang Philippine National Police Provincial Office, sa pangunguna ni Al-Kenneth Cayanga, na nagpaabot ng suporta at binigyang-diin ang kahalagahan ng pagtutulungan upang mapaunlad ang komunidad at mapatatag ang sektor ng agrikultura.
Bahagi ang hakbang ito ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na mapalakas ang food security, matulungan ang mga magsasaka, at maisulong ang sustainable na kaunlaran sa Tawi-Tawi.



Comments