AGRICULTURAL PRODUCTS and EQUIPMENT Ipinamahagi ng Project TABANG sa 130 magsasaka mula sa iba’t ibang barangay at munisipalidad sa Basilan
- 2 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Isinagawa ang pamamahagi ng agricultural products at kagamitan, araw ng Huwebes sa Covered Court ng Barangay Colonia sa Lamitan City sa ilalim ng agricultural assistance program ng Project TABANG hatid ng Office of the Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua.
Pinangunahan ito ng Provincial Coordinating Team sa pamumuno ni Muais Alauddin bilang bahagi ng patuloy na implementasyon ng agricultural assistance program ng Project TABANG.
Layunin ng aktibidad na mapataas ang produksyon ng pagkain, isulong ang sustainable farming practices, suportahan ang kabuhayan ng mga magsasaka, palakasin ang food security, at bigyang kakayahan ang mga rural farmers sa Basilan at sa Bangsamoro region.



Comments